October 18, 2024

Home SHOWBIZ

Liam Payne, nakapag-post pa isang oras bago ang nakagugulat na pagpanaw

Liam Payne, nakapag-post pa isang oras bago ang nakagugulat na pagpanaw

Nakapagbahagi pa raw ng video clip at photo sa social media ang "One Direction" member na si Liam Payne, isang oras bago ang balita ng kaniyang malagim na pagpanaw nitong Huwebes, Oktubre 17 (oras at petsa sa Pilipinas). 

MAKI-BALITA: Liam Payne, pumanaw na

Ayon sa ulat ng international media outlets, lumagapak sa ground floor ang katawan ng singer matapos umano itong mahulog mula sa ikatlong palapag ng hotel na kaniyang tinutuluyan sa Argentina.

Saad pa ng Associated Press (AP), sinabi ng isang nagngangalang Pablo Policicchio, communications director ng Buenos Aires Security Ministry, na "tumalon si Payne sa balcony ng kaniyang kuwarto."

Tsika at Intriga

Ken Chan panalo sa Gawad Pasado pero may kinahaharap na kaso?

Sumugod daw ang mga pulis sa hotel bilang tugon sa isang emergency call, aniya, may babala raw tungkol sa "aggressive man who could be under the influence of drugs or alcohol.”

Bukod dito, nakakuha umano ang AP ng kopya ng 911 call ng hotel manager na nagsasabing "a guest who overwhelmed with drugs and alcohol... He’s destroying the entire room and, well, we need you to send someone, please.”

Naging mas balisa raw ang boses ng manager habang nagpapatuloy ang tawag, at sinabi ring may balkonahe ang kuwarto.

Sinasabing nasa impluwensya raw ng drugs si Payne nang mangyari ang insidente.

MAKI-BALITA: Liam Payne, nasa ilalim umano ng impluwensya ng illegal drugs bago raw pumanaw?

Usap-usapan din ang pagbabahagi niya ng video nila ng kaniyang partner na si Kate Cassidy sa Snapchat Story, isang oras bago ang balita ng kaniyang pagkamatay.

"Lovely day in Argentina," inilagay na caption ni Payne sa video habang makikitang nasa hapag-kainan si Kate at kumakain.

Sa isa pang post na isang larawan, makikita ang caption na "Happy got some time away."

Hindi naman tiyak kung kailan kinuhanan ang nabanggit na mga video o larawan; kung mismong sa araw na iyon, o matagal na't nitong Miyerkules lamang ng gabi inupload.

Si Kate daw ay hindi na kasama ng singer nang mga sandaling iyon dahil nauna na itong magtungo sa Buenas Aires.

Samantala, iniimbestigahan pa raw ng mga awtoridad ang tunay na dahilan sa pagkamatay ng singer.

Bumuhos naman ang pagluluksa at pakikiramay ng celebrities at fans para kay Liam. 

MAKI-BALITA: Matapos ang biglaang pagpanaw: fans ni Liam Payne, bumuhos pagluluksa

MAKI-BALITA: Charlie Puth sa biglaang pagkamatay ni Liam Payne: 'I'm so upset right now!'