October 17, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ken Chan panalo sa Gawad Pasado pero may kinahaharap na kaso?

Ken Chan panalo sa Gawad Pasado pero may kinahaharap na kaso?
Photo courtesy: Sparkle GMA Artist Center (FB) via Ken Chan (FB)

Usap-usapan at laman ng mga balita ang Kapuso actor na si Ken Chan matapos niyang magpasalamat sa 26th Gawad Pasado, matapos niyang manalo bilang "Pinakapasadong Aktor" para sa pelikulang "Papa Mascot" na siya mismo ang producer at lead actor.

"Maraming salamat po Gawad Pasado!" caption ni Ken sa kaniyang pagpapasalamat, kalakip ang art card ng pagbati sa kaniya ng Sparkle GMA Artist Center. 

Ken Chan - Maraming salamat po Gawad Pasado! #26thGawadPasado | Facebook

Imbes na nagsasaya kasi ang netizens para sa kaniya dahil sa achievement na ito, natatabunan ito ng kontrobersiya matapos lumabas ang balitang umano'y may kinahaharap siyang syndicated estafa case sa Pilipinas, na may kinalaman sa isang investment scheme, kaya't nasa ibang bansa raw siya ngayon.

Tsika at Intriga

Halos bumukangkang na raw: Beauty sarili inihaing regalo sa mister, inokray

Ang tsika patungkol sa kaso ay nauna nang na-blind item ng Philippine Entertainment Portal o PEP gayundin sa entertainment vlog ni Ogie Diaz na "Ogie Diaz Showbiz Update."

Hindi naman daw maipagtanggol ni Ogie si Ken dahil wala naman itong binibitiwang opisyal na pahayag kaugnay sa mga isyung lumiligid patungkol sa kaniya, at ang nakikita lamang sa social media accounts niya ay okay na okay siya.

Sa tingin naman ni Ogie, paraan ito ni Ken upang ipakita sa kaniyang fans at supporters na nasa maayos siyang kalagayan at huwag nila siyang intindihin.

Anyway, mabalik sa award ni Ken, ibang tao ang tumanggap ng parangal para kay Ken sa naganap na awards' night, dahil nasa ibang bansa nga ang aktor. Tie sila ng aktor na si Cedrick Juan na gumanap namang Padre Jose Burgos sa award-winning movie na "GomBurZa."

Sana nga raw ay bumalik na si Ken sa Pilipinas at harapin ang mga naghihintay na kaso dahil sayang naman ang pagiging mahusay niyang aktor at imaheng mabuti kung may mga ganitong isyu laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: Tinakbo raw pera, nagkakaso pa: Partner ni Ken Chan, ibinaon daw siya sa utang?