December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Julie Anne fans, pumalag sa joke ni Vice Ganda

Julie Anne fans, pumalag sa joke ni Vice Ganda
Photo courtesy: via Balita/It's Showtime (FB)

Inalmahan ng mga tagahanga at tagasuporta ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose ang naging hirit na biro ni "It's Showtime" host Vice Ganda sa "Tawag ng Tanghalan" patungkol sa tanong na ano raw ang kadalasang kinakanta sa simbahan.

Pinuri kasi ni Vice ang isang kalahok na kumanta ng "You Are My Destiny" ni Paul Anka, at sinabing parang pang-Linggo raw ang boses nito, o naririnig sa tuwing sasapit ang araw ng Linggo at nagsasadya sa mga simbahan at panambahan ang karamihan ng mga tao.

Tinanong ni Meme Vice ang contestant kung anong ginagawa nito tuwing Linggo. Nang sabihin naman ng contestant na nagsisimba, dito na sumundot ng tanong ang komedyante-host ng "Anong kinakanta sa simbahan?"

Bagay na siya rin naman agad ang sumagot, "Dancing Queen. Charot!"

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"Charot lang, kayo naman! Sinasakyan ko lang 'yong mga eksena n'yo," paglilinaw ni Vice Ganda.

Matatandaang nagkaroon ng isyu kay Julie Anne matapos ang kaniyang performance sa loob ng isang simbahan sa Occidental Mindoro, matapos siyang maimbitahan sa isang kapistahan.

Inulan ng kritisismo si Julie Anne matapos ang kaniyang performance ng "Dancing Queen" ng Abba. Bukod dito, kinuwestyon din ng netizens ang kaniyang kasuotan, na hindi raw appropriate sa venue.

Naglabas naman ng public apology ang Sparkle GMA Artist Center, ang kura paroko ng simbahan, at mismong si Julie Anne tungkol dito.

Pumalag din ang ilang netizens na tagahanga ni Julie Anne dahil baka nakakalimutan daw ni Vice na umeere sa GMA Network ang Showtime, kaya dapat, careful daw siya sa pa-shades sa contract artists nito. Isa pa, nakapag-guest na rin si Julie Anne sa noontime show at naging hurado pa nga ng TNT.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

“Ang hilig niya to take a swipe, tapos sa huli sasabihin niya na 'charot' para sabihing it’s all a joke pero sa true lang, offensive ang jokes niya.”

"Baka nakalimutan niyang nasa GMA-7 siya.”

"“Actually, ang bully ni Meme. Pero nagagamit niya ang kaniyang pagiging comedian niya to get away sa mga pa-shade niya.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Julie Anne patungkol sa hirit ni Vice Ganda, at wala pa ring tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Vice Ganda patungkol sa kaniya ng mga tagahanga ng singer-actress.

MAKI-BALITA: Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'