November 25, 2024

Home SHOWBIZ

Jesi Corcuera, nagbahagi ng pregnancy journey, foreigner daw ang donor?

Jesi Corcuera, nagbahagi ng pregnancy journey, foreigner daw ang donor?
Photo courtesy: Jesi Corcuera (FB)

Ibinunyag ni Jesi Corcuera, isang transman at dating housemate ng Pinoy Big Brother (PBB) at contestant ng StarStruck, na isang foreigner ang sperm donor ng kaniyang pinagbubuntis.

Sa pamamagitan ng artificial insemination, natupad ang matagal na niyang pangarap na maging isang magulang, ngunit inamin niyang napakahirap ng prosesong pinagdaanan.

Sa panayam ng Chika Minute noong Oktubre 8 kay Jesi sinabi niyang kilala raw niya ang sperm donor ng kaniyang pagbubuntis. Ang sperm donor na tumulong kay Jesi ay isang foreigner na nakabase sa Pilipinas.

Bagama’t hindi pa plano ni Jesi na ipakilala ang kaniyang anak sa biological father nito, bukas siyang gawin ito kung sakaling itanong ng bata sa hinaharap.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

"Kung kukuwestiyunin niya in the future, willing naman akong ipakita sa kaniya and i-explain sa kaniya kung paano ‘yong naging proseso kasi mas maganda pa rin na alam niya," paliwanag niya.

Sa isang panayam sa Unang Hirit kamakailan, ikinuwento ni Jesi ang mga sakripisyong hinarap niya, kabilang ang pagtigil sa pag-inom ng hormones upang mapataas ang estrogen levels sa kaniyang katawan.

Ayon sa kaniya, "Hindi siya biro. Financially, emotionally, mentally, lahat po talaga. Mas malala pa siya sa rollercoaster,"

Aminado rin si Jesi na hindi madali ang pagbubuntis, pero nagpapasalamat siya sa suporta ng kaniyang partner na si Camille.

"Maraming changes. Bilib ako sa partner ko kasi siya ‘yong sumalo. Lalo na ngayong buntis ako, lagi niya sinasabi, ‘Hormones mo ‘yan.’" aniya.

Dahil sa kondisyon sa puso, napagdesisyunan ni Jesi na dumaan sa cesarean section sa halip na natural birth. Ngayon, masaya at sabik na siyang makilala ang kaniyang anak, na tinawag niyang “Ninja.”

Dagdag pa niya, "Basta excited and sobrang happy ako pati ‘yung family ko."

Ang anak ni Jesi ay magiging bahagi ng pamilya nila ni Camille, kung saan ang mga anak nito ay tinatawag na siyang "papa."

Mariah Ang