October 17, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Halos bumukangkang na raw: Beauty sarili inihaing regalo sa mister, inokray

Halos bumukangkang na raw: Beauty sarili inihaing regalo sa mister, inokray

Umani ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang sexy bikini photo ni Beauty Gonzalez, na aniya, ay regalo niya sa kaniyang mister na si Norman Crisologo.

Tila "naalibadbaran" daw kasi ang mga netizen sa pa-bikini ni Beauty dahil halos kaunti na lang daw ay kita na ang "hiwa" nito.

Sey ni Beauty, wala siyang ibang regalo para sa mister kundi ang kaniyang sarili, para sa kaarawan nito.

"Happy Birthday Bambi ," bati ni Beauty sa kaniyang mister na nagdiwang ng kaarawan.

Tsika at Intriga

Ken Chan panalo sa Gawad Pasado pero may kinahaharap na kaso?

"My gift for you today and every day for the rest of our lives, is…. Drum rolls please………. .. ..ME! "

"No Return No Exchange! Love You " aniya.

Binoldyak naman ng mga netizen ang naging paandar ng aktres sa comment section.

"Kulang na sa pansin si beauty, sana naghubad ka na lang talaga at naka bukangkang, pa thrill ka pa sa pagsuot mo ng ganyan. Wala na bang nag offer sayo ng project at gusto mo mapag usapan ka?"

"If that's a gift for your husband, please keep it privately..."

"Guys, I don't her either...it's just a matter of valuing ourselves as a married woman, to be a role model to the kids above all God created us as His temple...And women shoildn't give a reason to be a temptation to men."

"Ewan ba yan why always showing off yung HUBAD nyang katawan at now kasingit singitan ,for what??? Dko sya gets , always to flaunt ba ?? Eh kita na na nman ng buong Universe hubog ng katawan nya kaya WHY OH WHY PAULIT ULIT"

"Naging ksp na eto.. ppansin na msyado wla na respeto sa sarili or baka nagppansin sa iBang mga lalaki Kasi matanda na Ang Asawa nya."

"Ano na kaya nangyayari kay beauty"

Sa kabilang banda, marami rin naman sa netizens ang nagtanggol sa aktres. Anila, social media account niya ang ginamit niya kaya kung anuman ang i-post o ipangalandakan niya sa madlang netizens ay karapatan niya ito.

"artista yan noh.. engget lng kayu.. d nyo kaya yan.. heheh"

"Umalis kayo sa socmed niya, socmed niya yan eh, wala kayong pakialam."

"Wow so sexy! Happy birthday to your husband Norman."

"She is pleasing her husband by showing off her body and everyone is praising her kase proud na hot ang wife. She and husband has a very mutual understanding obviously on this part. Is it bambi who wanted this or Beauty? stay happy!"

"People are free to value themselves however way they see fit. Just because you have your own way doesn’t mean everyone should do things the same way as you. Let people be themselves without imposing your ‘values’ on them."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Beauty patungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.