Nagpaabot ng suporta si dating Vice President Robredo para kay dating Senador Bam Aquino na nagnanais bumalik sa Senado sa 2025 midterm elections.
Sa isang Facebook post, nagbahagi si Robredo ng ilang mga larawan nila ni Aquino nang dumalo sa inagurasyon ng inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena nitong Huwebes, Oktubre 17.
“Less than 24 hours with Sen Bam Aquino in Sorsogon but always fun when I’m with him,” ani Robredo.
Binanggit din ni Robredo na napakalaki raw ng naitulong sa kaniya ni Aquino noong tumakbo siya bilang pangulo noong 2022 elections at bise presidente noong 2016 elections.
“Kahit sobrang mas matanda ako sa kanya, I depended so much on him during my Vice Presidential and Presidential run,” saad ni Robredo.
“Mahusay, mabait at maaasahan. He deserves to be back in the Senate,” dagdag pa niya.
Matatandaang naging campaign manager ni Robredo si Aquino noong nakaraang eleksyon.
KAUGNAY NA BALITA: