October 18, 2024

Home SHOWBIZ

Charlie Puth sa biglaang pagkamatay ni Liam Payne: 'I'm so upset right now!'

Charlie Puth sa biglaang pagkamatay ni Liam Payne: 'I'm so upset right now!'
Photo courtesy: Charlie Puth/Associated Press (AP)

Isa ang international singer na si Charlie Puth sa mga nabigla at nalungkot sa biglaang pagpanaw ni "One Direction" member Liam Payne, na gumulat sa mundo ng showbiz nitong Huwebes, Oktubre 17.

Nag-tribute si Charlie kay Liam sa pamamagitan ng pag-post niya sa Instagram ng throwback photo nilang dalawa habang sila ay magkasama.

Aniya, naging mabuti raw ang pakikitungo ni Liam sa kaniya noong nabubuhay siya, at hindi raw siya makapaniwalang wala na ang kaibigan.

"I am in shock right now. Liam was always so kind to me. He was one of the first major artists I got to work with. I can not believe he is gone...”

Tsika at Intriga

Ken Chan panalo sa Gawad Pasado pero may kinahaharap na kaso?

“I'm so upset right now, may he rest in peace,” dagdag pa ni Charlie.

Si Liam ay sinasabing nahulog mula sa ikatlong palapag ng tinutuluyang hotel habang nasa Argentina.

Dumagsa naman ang fans at nagtirik ng kandila at nag-alay ng bulaklak sa spot kung saan nahulog ang singer.