October 23, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Ashley Ortega, nagpasalamat sa mga papuri bilang 'comfort woman' sa serye

Ashley Ortega, nagpasalamat sa mga papuri bilang 'comfort woman' sa serye
Photo courtesy: Ashley Ortega (IG)

Todo-pasalamat ang Kapuso actress na si Ashley Ortega sa mga pumupuri sa kaniyang performance bilang isa sa comfort women ng historical-drama series na "Pulang Araw," na ang tagpuan ay sa panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.

Aniya, "An update of what’s happening behind the scenes. Forever grateful for all the good feedback from our viewers and netizens."

"Alam ko pong ang hirap panuorin pero mahalaga saamin na isalaysay sa ating mga kababayan ang pinagdaanan ng ating mga comfort women noong panahon ng pagsakop ng mga hapon. Oras nang marinig at malaman ang kanilang storya," dagdag pa niya.

Umani naman ng papuri mula sa mga netizen ang pagganap ni Ashley dahil sa husay raw niyang umarte.

Teleserye

Lovi Poe, magbabalik nga ba sa 'Batang Quiapo?'

"You’re sooo perfect for that role, babe! You outdid yourself!!!!"

"Grabe yung eksena ng mga comfort women nakakakilabot. Galing niyong lahat!"

"Ashley!!!! You’re amaaaaazing forever!!!!! Super worth the watch!!"

"sana magkaron ka ng best actress award sa palabas na to.. ang galing mo Sister Manuela."