December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vina Morales, hiwalay na sa non-showbiz boyfriend: Ready to mingle na raw?

Vina Morales, hiwalay na sa non-showbiz boyfriend: Ready to mingle na raw?
Photo Courtesy: Vina Morales,Andrew Kovalcin (FB)

Inamin ni actress-singer Vina Morales na hiwalay na raw siya sa non-showbiz boyfriend niyang Andrew Kovalcin.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Martes, Oktubre 15, kinumpirma raw ni Vina ang nasabing balita nang kapanayamin siya ng ABS-CBN News.

"Wala na kami. I'm back to being single, ready to mingle," saad ni Vina.

Sa kasalukuyan, hindi na raw muna iniisip ni Vina ang lovelife. Ayaw na rin daw niyang pilitin pang magkaroon nito.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"Hindi ko na masyado pinu-push yun sa buhay ko [‘yong lovelife]. Hindi na siya priority, kasi before nalulungkot ako ‘pag wala akong lovelife,” aniya.

Dagdag pa niya: "Pero ngayon, e, may dumarating, nawawala. So, ibig sabihin, wala pa rin talaga. So, hindi ko na pinipilit."

Hind na nagbigay pa ng ibang detalye si Vina kung ano ang naging ugat ng hiwalayan nila ni Andrew.

Matatandaang Nobyembre 2023 nang magsimulang lumutang ang bali-balitang nagde-date ang dalawa matapos ibahagi ni Vina  sa kaniyang Instgram ang video nila ni Andrew sa isang park sa Washington D.C.