October 16, 2024

Home SHOWBIZ

Maricel Laxa, bet ba si Belle Mariano para sa anak?

Maricel Laxa, bet ba si Belle Mariano para sa anak?
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Belle Mariano (FB)

Nausisa ang aktres na si Maricel Laxa kung anong sey niya sa kasalukuyang ka-love team ng anak niyang si Donny Pangilinan na si Belle Mariano.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Oktubre 15, sinabi ni Maricel na fan daw siya ng DonBelle, tawag sa love team ng dalawa.

“Do you have a say [to Belle]? We like her; we don’t like her; can we explore?” tanong ni Boy.

Pero sagot ni Maricel: “Parang hindi pa naman kami pumupunta sa gano’ng klaseng usapan.”

Willie, wala pa raw plano: 'Pag nanalo na 'ko, doon ko na lang iisipin!'

“Halimbawa, in terms of image of a boy?” usisa pa ng Asia’s King of Talk kay Maricel.

“Kasi it’s really been DonBelle in the longest time—”

“Do you like her [Belle]?” agaw ni Boy.

“I’m a DonBelle fan,” masaya at tila proud na tugon ni Maricel.

Matatandaang 2022 pa lang ay hayagan na ang suporta ni Maricel sa ka-love team ng kaniyang anak na nagdaos noon ng first ever digital concert.

MAKI-BALITA: Maricel Laxa, buo ang suporta sa digital concert ni Belle Mariano