October 16, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kylie Verzosa, nambasag ng basher: 'Never ka naman maganda!'

Kylie Verzosa, nambasag ng basher: 'Never ka naman maganda!'
Photo courtesy: Kylie Verzosa (TikTok)

Hindi pinalagpas ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa ang birada sa kaniya ng isang netizen, sa comment section ng kaniyang TikTok video.

Ginaya kasi ni Kylie ang isa sa mga sikat na TikTok video ng content creator na si "Davao Conyo."

Sa comment section ng post, isang netizen ang umentra at pinuna ang hitsura ni Kylie.

"Mas maganda pa rin nung natural pa," aniya.

Tsika at Intriga

Kasong isinampa ng madir ni Darren kay JK, ibinasura na?

Soplak naman ni Kylie, "'Never ka naman maganda."

Inulan naman ito ng reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Slay!"

"Aruuuu"

"Hayan, nabara ka tuloy hahaha."

"At least maganda pa rin si Kylie, eh ikaw?"