November 25, 2024

Home SHOWBIZ

Julius Manalo, papasukin na rin ba ang showbiz?

Julius Manalo, papasukin na rin ba ang showbiz?
Photo courtesy: Screenshots from TV Chosun (YouTube)

Sa kabi-kabilang mga interview na natatanggap ni Julius Manalo matapos ang muling pagkikita nila ng kaniyang Koreanang ina, inusisa siya kung ano ang susunod na plano niya.

Pagbabahagi ni Julius sa PEP kamakailan, plano ng kaniyang ina na bumisita sa Pilipinas, subalit wala pang tiyak na petsa kung kailan ito mangyayari. 

"’Yung definite time kung kelan pupunta ang nanay ko is wala pa. Pero ang napag-usapan namin, actually, next year, e. Pero tina-try naming i-work out kung kaya this year," ani ni Julius.

Inusisa rin siya kung susunod ba siya sa yapak ng kaniyang half-brother na si Jay Manalo, kahit na isa siyang pulis. Aniya, hindi niya sinasara ang posibilidad na pagpasok sa showbiz. 

Tsika at Intriga

Rita Avila, napatanong: 'Sino at ano ang sasagip sa mga Pilipino?'

“Tinitingnan ko siya as another opportunity para magkaroon ng trabaho para sa pamilya ko. Kung magiging maganda naman at hindi siya magiging abala sa talagang sinumpaan kong tungkulin, bakit hindi ko gagawin iyon para sa pamilya ko?” aniya.

KAUGNAY NA BALITA: Makalipas ang 31 taon: Pulis, nahanap at muling nakasama ang Koreanang ina

KAUGNAY NA BALITA: Jay Manalo, masaya para sa half-brother na nakita na ang ina

Mariah Ang