October 16, 2024

Home SHOWBIZ Events

Juan Karlos, inaalay ang tagumpay sa kaniyang lola

Juan Karlos, inaalay ang tagumpay sa kaniyang lola

Binigyang-pugay ng Kapamilya singer-actor na si JK Labajo o "Juan Karlos" ang kaniyang lola na siyang nagpalaki at sumuporta sa kaniya mula noon hanggang ngayon.

Si Juan Karlos, ang nasa likod ng hit songs na "Buwan" at "Ere."

Nakatakda na kasi sa Nobyembre 29 ang major solo concert ng OPM star, na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.

Sa isang presscon ng “Juan Karlos Live” nitong Martes, Oktubre 15, sa Sentro Artista Art Hub sa The Arton Strip by Rockwell sa Project 4, Quezon City, ipinahayag ni Juan Karlos ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa kaniyang lola, na aniya'y naging matatag na haligi ng kaniyang buhay at karera. Pinasalamatan niya rin ang producer ng kaniyang concert na si Sylvia Sanchez.

Events

Kim Chiu, Julia Barretto nominado sa Asian TV Awards 2024

“She would push me to do all of these things that she thought would be best for me. My Lola is really that one constant in my life,” aniya.

Labis din ang kasiyahan ng kaniyang lola nang malamang magkakaroon na siya ng concert.

“She was really happy when she found out and then she started doing her TikTok dance. After that, nanghingi ng maraming tickets kasi marami siyang gustong bigyan. She’s always there, especially online. Siya lagi ang nakikipag-usap sa supporters. Masaya si Lola. Super saya niya,” dagdag pa niya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ang nasabing concert ay nasa ilalim ng direksyon ni Paolo Valenciano habang ang musical director naman ay si Karel Honasan.

Magiging sentro daw ng palabas ang kaniyang paglalakbay bilang isang musician, kung saan itatampok ang mga kantang isinulat niya sa loob ng maraming taon.

“It’s really focused more on me being a musician,” aniya.

Nabanggit din ng singer-actor ang na mahalagang napapalibutan ang isang tao ng mga positibong kapwa at pagpili na tumuon sa mabubuting bagay sa buhay.

“We have that choice of redirecting our focus to the positive side... It’s the little acts of kindness that you do, that you can do for free,” aniya pa.

Ang "Juan Karlos LIVE" ay isang produksyon ng Nathan Studios, sa pakikipagtulungan ng Universal Music Group Philippines, at ang mga tiket ay mabibili sa lahat ng SM Tickets outlets.

Mariah Ang