October 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Braso ng 'cute boy' na naka-white jacket, pinasilip ni Kathryn Bernardo

Braso ng 'cute boy' na naka-white jacket, pinasilip ni Kathryn Bernardo
Photo Courtesy: Kathryn Bernardo (TikTok)

Tila malaking palaisipan sa mga netizen kung kaninong braso nga ba ang ipinasilip ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo sa kaniyang TikTok video.

Sa latest TikTok post niya kasi kamakailan, mapapanood ang video kung saan makikitang hinila niya ang isang brasong nakasuot ng white jacket habang nili-lip sync ang “Bed Chem” ni Sabrina Carpenter.

“Hmmm.. ” saad niya sa caption ng post.

Malamang sa malamang, iisipin ng KathDen fans na kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang nasabing braso dahil dito kasalukuyang nali-link si Kathryn.

Tsika at Intriga

McCoy De Leon, may babaeng palihim na kinikita?

Matatandaang kamakailan lang ay flinex pa ni Mommy Min Bernardo ang video ng bonding moments ng pamilya kung saan kasama si Alden.

MAKI-BALITA: 'May nanalo na!' Alden Richards, flinex ng ina ni Kathryn Bernardo

Inamin din ng dalawa sa isang panayam with ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe na lalo raw silang naging komportable ngayon sa isa’t isa kumpara noon.

MAKI-BALITA: 'Malaki ang naging change:' Kathryn, Alden very comfortable na sa isa't isa

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 1.9 million likes at 12.2 million views ang nasabing video.