October 16, 2024

Home BALITA Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?
photo courtesy: Leslie Lulu Manabat/FB

Bukod umano sa pagdalaw sa burol ng pinatay na mag-asawang online seller, nagpadala raw muna ng lechon belly ang umano'y asawa ng mastermind, ayon umano sa kapatid ng biktima.

Sa Facebook post ni Leslie Lulu Manabat nitong Miyerkules, Oktubre 16, ibinahagi niya na hindi raw niya kinaya ang pagpunta umano ng asawa ng umano'y mastermind sa burol ng mga biktimang sina Arvin at Lerma Lulu, maging ang pakikibalita raw nito.

Kabilang sa naturang post ang mensahe umano ni Joanna Marie Perez, asawa ng umano'y mastermind na si Anthony Limon, na nakikidalamhati siya sa pamilya. 

"Di ko kinaya yung nag follow at nakikibalita pa at pumunta pa sa burol ang masaklap kumare kapa bat di kanalang nakiusap ung bnyad nyo dun sa gunman sana binawas nyo nalang sana un sa mga utang nyo," saad ni Manabat.

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

Dagdag pa niya, "Kahit pa magdusa kayong lahat makulong ng habangbuhay kulang na kulang pa yun ang parusa sainyo ganun naba ka inggit di kna nakuntento sa kung anong meron ka ang bait ng ate ko sayo gnun gnun lng kadali sayo na ipapatay na dimo man inisip ung consequences walang bulok na di sisingaw."

"Ninang kaman na nasabi pero walang awa mong tinanggalan ng magulang ang pamangkin ko."

Sa comment section, sinabi rin ni Manabat na kinutuban daw siya nang pumunta sa burol si Perez dahil nagtagal umano ito roon.

"Parang wala lang nagchat at nag follow kapa sakin at nkkisympathya na para innocente saan ka kumukuha ng kapal ng mukha. Kinutuban ako noon pumunta ksa burol kase nagtagal ka nkikibalita ka cgru kybg my alam na kame saan mo hinuhugot ung kapal ng mukha," aniya.

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi rin ni Manabat na may pa-"last supper" pa umano si Perez sa kaniyang ate.

"May [last supper] ka pa nabigla na lang si ate na nagpadala ka ng letchon belly at dahil mabait si ate ang sagot niya 'sakto gagawin namin ang birthday ni mama ngayon' at tuwang-tuwa pa ang ate ko binida ka pa niya," saad ni Manabat.

"Doon pa lang pala nagbabalak ka na," aniya pa.

Gayunman, hindi mabanggit ni Manabat kung kailan ipinadala ang nasabing lechon. 

Saad pa niya sa comment section, "All of the sudden bigla k nlng nagpadala ng letchon belly sa bahay yun pla iba na ang plano mo."

"Walang kaalam alam ang ate kong innocente na gnun na pla plano nyo sskanya."

Samantala, magsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya kung may kinalaman din umano si Joanna Marie sa pagpatay sa mag-asawang Lulu. 

"Based on the revelations po ng mga middleman po natin is kapag nagco-conduct po ng transaction ito pong si lalaki [Anthony Limon] kasama rin po niya 'yung asawa niya. Pero ang humaharap lang po is 'yung lalaki. But nevertheless, still iva-validate po natin, magco-conduct po tayo ng investigation para po malaman natin kung sila bang mag-asawa ang may pakana ng krimen na ito," ayon kay Pcol. Jay Dimaandal, Provincial Director ng Pampanga PPO, sa isang press briefing. 

Bagama't naaresto na si Limon at ang anim pa niyang kasabwat, lumalabas din na kumpare pa siya 'di umano ng mga biktima.

BASAHIN: Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima