Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Martes ng umaga, Oktubre 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:42 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 98 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 7 kilometro.
Ito raw ay isang aftershock mula sa yumanig magnitude 7.4 na lindol baybayin ng naturang lalawigan noong Disyembre 2, 2023.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.