October 16, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Pagkakaibigan nina Alden, Kathryn hindi nawala mula noong 'HLG'

Pagkakaibigan nina Alden, Kathryn hindi nawala mula noong 'HLG'
Photo Courtesy: Star Cinema (IG)

Hindi raw nawala ang pagkakaibigan ng “Hello, Love, Again” stars na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo simula noong una silang nagkasama sa box-office hit na “Hello, Love, Goodbye.”

Sa latest episode kasi ng “On Cue” nitong Lunes, Oktubre 14, nausisa sina Alden at Kathryn na kung wala raw ba silang proyekto ay magiging magkaibigan pa rin sila.

“Kung walang project, tuloy-tuloy ‘yon—the friendship, the closeness?” usisa ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe.

“Hindi naman siya nawala actually,” tugon ni Alden. “Parang na-busy lang kami with our own projects, work, and commitments.”

Relasyon at Hiwalayan

Kirk Bondad, hinard launch si Lou Yanong; magkarelasyon na?

“But it has been there. Like the whole group has been really…parang may blood compact after [our first movie],” dugtong pa niya.

Matatandaang sa nakalipas na birthday ni Kathryn ay kasama niyang nag-celebrate ang casts ng “Hello, Love, Goodbye” sa isang yate.

MAKI-BALITA: ‘Happiest’ birthday ni Kathryn, kung kailan wala na si Daniel?

Lumutang pa nga ang kuwento na tila malaki raw ang ginastos ni Alden para sa kaarawan ng kaniyang co-star dahil umarkila pa siya ng private plane para makadalo.

MAKI-BALITA: Alden, gumastos daw nang malaki para sa birthday ni Kathryn