November 05, 2024

Home BALITA National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel
MULA SA KALIWA: Sen. Koko Pimentel at dating Pangulong Rodrigo Duterte (Facebook; file photo)

Ipinahayag ni Senador Koko Pimentel na isang “magandang ideya” na imbestigahan din ng Senado ang madugong giyera kontra ng adminitrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang text message nitong Martes, Oktubre 15, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Pimentel na bagama’t “optional” lamang, isang magandang ideya umano kung magkakaroon ng parallel investigation ang Senado sa war on drugs. 

“It will give us the opportunity to ask cross-examination questions to test the credibility of the witnesses,” ani Pimentel.

Matatandaang nitong Lunes, Oktubre 14, nang ipinahayag ni Senador Bong Go na handa siyang magpasa ng resolusyon sa Senado upang magsagawa ng parallel investigation sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

National

Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test

MAKI-BALITA: Bong Go, willing paimbestigahan sa Senado drug war ni Ex-Pres Duterte

KAUGNAY NA BALITA: Bong Go, pinagtanggol si Ex-Pres. Duterte hinggil sa drug war: ‘Hindi ba kayo nakinabang?’

Kasalukuyang iniimbestigahan ng House quad committee ang extrajudicial killings (EJK) sa war on drugs ng administrasyong Duterte, kung saan sa isinagawang pagdinig noong Biyernes, Oktubre 11, ay emosyonal na isiniwalat ni retired police colonel Royina Garma na iniutos umano ng dating pangulo ang pag-aalok ng reward para sa Oplan Tokhang ng administrasyon nito sa bansa, na kapareho raw ng “template” sa Davao.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, nag-offer ng reward para sa drug war killings — Garma

Matatandaang inihayag ni human rights lawyer Chel Diokno kamakailan na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno