October 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Marian, aminadong 'di kayang mawala si Dingdong sa buhay niya

Marian, aminadong 'di kayang mawala si Dingdong sa buhay niya
Photo Courtesy: Marian Rivera (IG)

Inamin ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na hindi raw niya kayang mawala sa buhay niya ang kaniyang mister na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Oktubre 14, sinabi ni Marian na hindi raw niya ma-imagine ang buhay na wala sa piling niya ang mister.

“Can you imagine a life without ‘Dong,” usisa ni Boy.

“Parang hindi,” tugon ni Marian. “At ayaw ko siyang isipin. The mere fact na pinakasalan ko siya sa harap ng Panginoon, doon pa lang sumumpa na ako na ‘di ko kayang mawala siya.”

Relasyon at Hiwalayan

Julia Barretto, Gerald Anderson sinulit ang isa't isa sa El Nido

“Isa siya sa mga nag-impluwensiya sa akin kung paano mas maging mas mabuti pang tao para sa iba at para sa sarili ko,” wika niya.

Dagdag pa niya: “Kasi siyempre no’ng araw ‘pag Caviteña ka probinsiyana ka, e. Wala kang alam. So, isa siya sa mga nag-guide talaga sa akin na ang mundo ay ganito; ang mga tao ay ganito.”

Kaya naman hindi na rin nakapagtataka kung nakikita ng iba na ang pagsasama nila bilang mag-asawa ay halos perpekto na. Pero ang totoo ay sinubukan lang daw nilang mas maging maayos ang relasyon nila.

“Palagi kaming nag-uusap. Siyempre, sino ba namang pamilya ang gustong hindi maayos?” aniya.

MAKI-BALITA: Binago ng pamilya: Dingdong Dantes, 'di na nagdedesisyon para sa sarili