October 23, 2024

Home SHOWBIZ

'Kapusod' Dennis nagbuyangyang ulit ng tiyan; crop top ni Jennylyn, dinekwat

'Kapusod' Dennis nagbuyangyang ulit ng tiyan; crop top ni Jennylyn, dinekwat
Photo courtesy: Screenshots from Dennis Trillo (IG)

Mukhang nag-enjoy ang Kapuso star na si Dennis Trillo sa pagsusuot ng crop top dahil muli niyang ipinamalas ang kaniyang makinis at flat na tiyan, kasama ang dalawa pang kaibigan.

"Hello mga Kapusod," caption dito ni Dennis sabay awra-awra kasama ang dalawa pa.

Kinaaliwan naman ng mga netizen ang komento rito ng misis na si Jennylyn Mercado.

"Naghalungkat ka nanaman ng closet ko! Ibalik mo yan ha?" pabirong hirit ni Jen.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Tugon naman ni Dennis, "pahiram lang naman!"

Ang unang pinag-usapang pagsusuot ng crop top ni Dennis ay habang namamasyal sila ng misis sa Disneyland.

"King of the Crop," caption dito ni Dennis habang magka-holding hands na naglalakad sila ni Jen.

In fairness dumarami ang male celebrities na nagsusuot ng crop top ha!

MAKI-BALITA: 'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge! 

MAKI-BALITA:  KILALANIN: Male personalities na 'slaying' sa pagsuot ng crop top

Bukod kay Dennis, ang latest nga ay pati si Filipino Olympics boxer Eumir Marcial na na-inspire naman kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, nag-react sa paggaya sa kaniya ni Eumir Marcial na mag-crop top