October 16, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Hindi nai-lock pinto ng CR: Shaina, 'nasilipan' si Piolo

Hindi nai-lock pinto ng CR: Shaina, 'nasilipan' si Piolo
Photo courtesy: Screenshots from ABS-CBN (FB)/Pamilya Sagrado

Kinakiligan ng mga netizen at tagasubaybay ng seryeng "Pamilya Sagrado" ang eksena nina Shaina Magdayao at Piolo Pascual kung saan 'di sinasadyang makita ng una ang hubad na katawan ng huli habang naliligo ito sa loob ng palikuran.

Pero siyempre, sa serye lang naman ito at pihadong wala naman talagang nakitang kung anuman si Shaina, maliban sa abs ni Papa Pi!

Kinilig ang mga netizen sa dalawa dahil matagal nang naiisyung may "secret relationship" ang dalawa, bagama't wala pa silang kunikumpirmang kahit ano.

Hindi ba't nang matanong nga si Piolo nang maispatang nagbabakasyon at nakasakay silang dalawa ni Shaina sa isang bangka noong 2021 sa Bohol, kasama ang mag-jowang sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago,kung ano na nga ba ang relationship status nila, "What you see is what you get" ang sagot ng Ultimate Heartthrob.

Teleserye

Lena, evicted na sa 'Bahay ni Righouurr;' mga legal wife, nagbunyi

MAKI-BALITA: Limang taong 'exclusively dating' nina Piolo at Shaina, nauwi na ba sa espesyal na ugnayan?

Noong Hulyo naman ay nilinaw ni Shaina ang tungkol sa kanilang dalawa ni Papa Pi, nang matanong sila patungkol dito dahil nga magkakatrabaho sila ulit sa serye. 

Una raw sila nagkatrabaho sa fantasy-drama series na "Lobo," kung kailan bagong lipat sa ABS-CBN si Angel Locsin, at si Piolo ang una niyang nakatambal sa network. 

"We worked together when I was 17 in 'Lobo.' Siya 'yung first, siya 'yung first love scene ko, siya 'yung first kissing scene ko. So first ever mature role ko 'yun," lahad ni Shaina.

Pagkatapos ng ‘Lobo,’ nagkahiwalay silang dalawa ng landas sa mundo ng showbiz. Muli na lang silang nagkasama sa “On The Job” ni Erik Matti at sa isang pelikula ni award-winning director Lav Diaz.

At nagkasama nga ulit sila sa “Pamilya Sagrado" matapos ang ilang taon.

MAKI-BALITA: Shaina Magdayao, may nilinaw sa relasyon niya kay Piolo Pascual