October 23, 2024

Home SHOWBIZ

Dingdong, susuportahan ni Marian kapag pumasok sa politika?

Dingdong, susuportahan ni Marian kapag pumasok sa politika?
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Dingdong Dantes (IG)

Bagama’t tapos na ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ay hindi pa rin naiwasang mausisa si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kaugnay sa posibleng pagpasok ng mister niyang si Dingdong Dantes sa politika.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Oktubre 14, ibinahagi ni Marian ang naiisip niya tuwing dumarating ang eleksyon at kasama sa mga napag-uusapan ang tungkol sa pagkandidato ng kaniyang asawa.

“Isa lang ang palaging nasa isip ko, mabuting tao kasi ‘yong asawa ko, e. At talagang alam man nila o hindi nila alam, ‘yong asawa ko talaga is mahilig tumulong,” saad ni Marian.

Dagdag pa ng aktres: “Alam kong pure ‘yong love niya at ‘yong pagtulong niya na wala siyang hinihinging kapalit. So, ‘yong asawa ko gano’n ko siya nakikita.”

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Matatandaang bago pa man ang COC filing ay kasama ang pangalan ni Dingdong sa ilang lumutang na kakandidato umano para sa darating na 2025 midterm elections.

MAKI-BALITA: Pagtakbo ni Dingdong Dantes bilang senador, matutuloy nga ba?