October 16, 2024

Home SHOWBIZ

'Dalawang Tanging Ina?' Ai Ai, nakitambay sa live selling ni Angelica

'Dalawang Tanging Ina?' Ai Ai, nakitambay sa live selling ni Angelica
Photo courtesy: Angelica Poquiz Yulo (FB)

Sinamahan ni Comedy Queen at "The Clash" judge Ai Ai Delas Alas ang ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo sa kaniyang live selling.

Infairness naman, mabilis nabenta ang mga panindang bags at shirts ni Angge sa tulong ng kaniyang special guest na si Ai Ai, na tumulong na rin sa pagtitinda at pagmo-model ng produkto.

TINGNAN: Facebook

Tinawagan ni Ai Ai ang mga kaibigan niya sa showbiz, kagaya na lamang ng direktor na si Darryl Yap, upang himukin itong bumili sa live selling at nagpaunlak naman. Sa katunayan, ibinahagi pa ng direktor ang post sa kaniyang Facebook account.

Maricel, 'di pinapakailaman buhay ni Donny: 'We manage him but we don't own him'

Matatandaang nagpakita ng suporta ang Kapuso Comedy Queen  para sa online selling ng ina ni Golden Boy, matapos niyang sabihing aabangan niya ang live nito para bumili ng items na mga itinitinda ng ina.

MAKI-BALITA: Suporta sa Tanging Ina ni Caloy: Ai Ai, bibili sa live selling ni Angelica

Mababasa sa Facebook post ni Ai Ai, "Nakita ko sila may nag send saken sa messenger ... kelan kaya ulit live selling nila ?..bibili ako .. support ko live selling nila ."

Inihayag din ni Ai Ai na siya ay nasa panig ng "Team Nanay" kaugnay sa sigalot sa pagitan ng anak nitong si Carlos at jowang si Chloe San Jose.