December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Dahil sa gigil? Sylvia Sanchez, pinag-shopping nang bongga ang apo

Dahil sa gigil? Sylvia Sanchez, pinag-shopping nang bongga ang apo
Photo Courtesy: Sylvia Sanchez (IG)

Tila iba pala kapag nangigigil sa apo ang beteranang aktres na si Sylvia Sanchez.

Sa latest Instagram post kasi ni Syliva nitong Lunes, Oktubre 14, mapapanood ang video kung saan makikita ang napakaraming items na binili niya para sa anak ng mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

“Stress free day with my little Boss and Daddy Z [Zanjoe Marudo],” saad ni Sylvia.

Dagdag pa niya: “Gigil ako sayo apo ”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Umani naman ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Binili naman lahat ni lolaa ehhh @sylviasanchez_a sama shopping ate jo ahahahahhaa”

"Grabe mn amung lola ui"

"Grabe mag shopping si lola!!!! pag shopping sad diri sa cebu lola "

"Hahahaha ay wla pa yan wla pa masyado gana lola mo mag shopping weyt ka lang pag mas masipag pa sya ang bango ng uloooo ni baby!hmmmmmm paamoy din po"

"Ang sweet ni mama La sa apo. Nakatagpo si zanjo ng mabait na in laws."

"Ayan na ang LoLa mag spoil sa bata hehee"

" di halatang excited ka "

Matatandaang bago pa man maisilang nina Zanjoe at Ria ang kanilang panganay ay naghayag na agad si Sylvia ng excitement sa pagdating ng kauna-unahan niyang apo.