October 15, 2024

Home BALITA National

Asawa ni Harry Roque, nakaalis na ng bansa noon pang Setyembre – BI

Asawa ni Harry Roque, nakaalis na ng bansa noon pang Setyembre – BI
Photo courtesy: Harry Roque/FB

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakaalis na ng Pilipinas ang asawa ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na si Mylah Roque noon pang buwan ng Setyembre.

Ayon sa BI nitong Martes, Oktubre 15, nakalabas ng bansa si Mylah noong Setyembre 3, 2024.

Matatandaang Oktubre 11, 2024 nang mag-isyu ang House Quad Committee ng arrest order laban kay Mylah dahil sa tatlong beses nitong hindi pagdalo sa pagdinig ng komite hinggil sa extrajudicial killings (EJKs), ilegal na droga, at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

MAKI-BALITA: Asawa ni Harry Roque, pinaaaresto na rin ng Kamara

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Samantala, maging si Harry ay pinaghahanap din ng mga awtoridad matapos siyang hainan ng Kamara ng arrest order noong Setyembre 12, 2024.

Pina-cite in contempt ng House quad committee si Harry matapos ding hindi sumipot sa pagdinig at dahil sa kabiguan daw niyang magsumite ng mga hinihinging dokumento sa Komite, tulad ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

MAKI-BALITA: Roque, ipina-cite in contempt dahil hindi isinumite ang SALN at iba pang dokumento sa House QuadCom

Sa isa namang video message noong Setyembre 16 ay iginiit ni Harry na mahalaga raw ang kaniyang “kalayaan” kaya’t hindi na niya ito isusuko muli.

MAKI-BALITA: Harry Roque, 'di raw paaaresto: 'Hindi ko po isu-surrender muli ang aking kalayaan'