October 16, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Arnold Clavio, may patutsada sa mga kandidatong gustong manalo pero walang plano

Arnold Clavio, may patutsada sa mga kandidatong gustong manalo pero walang plano
Photo courtesy: Arnold Clavio (IG)/Mary Joy Salcedo (BALITA)

Pinasaringan ni GMA Integrated News anchor Arnold Clavio ang mga kandidato raw sa 2025 midterm elections na gustong manalo sa halalan subalit wala naman daw konkretong plano para sa bayan.

Sa kaniyang Instagram post nitong Oktubre 15, binigyan ng "scientific name" ni Igan ang mga kandidatong wala naman daw plano pero gustong manalo sa eleksyon.

"CACATUA MANGMANGUSAMUS (Noun)," aniya.

"Scientific name ng mga kandidatong gustong manalo pero walang plano," dagdag pa niya.

Tsika at Intriga

Gardo, aprub sa sinabi ni Igan: 'Kaniya-kaniyang diskarte... para magkamal ng salapi!'

Kapansin-pansing nagkomento naman dito ang aktor na si Gardo Versoza.

"hahahahahaha kanya kanyang diskarte talaga para makaahon sa buhay at magkamal ng salapi," aniya.

Matatandaang kamakailan lamang ay nag-post si Gardo na may kinalaman sa eleksyon, gaya ng naging pahayag ng pumanaw na Comedy King na si Dolphy tungkol sa pagtakbo, at paghinto ng political dynasty.

MAKI-BALITA: 'Patama sa artista, sports icons?' Gardo ni-reshare pahayag ni Dolphy tungkol sa politika

MAKI-BALITA: Gardo, no to political dynasty; gobyerno, 'wag gawing negosyo, bisyong pagnakawan

Hindi naman nagbigay ng clue si Igan kung sino ang direktang pinatatamaan niya.