October 14, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Willie Revillame, kinuhang fitness coach ang sports therapist ni Carlos Yulo

Willie Revillame, kinuhang fitness coach ang sports therapist ni Carlos Yulo

Usap-usapan ang pagbabahagi ni "Wil To Win" host Willie Revillame sa larawan nila ni Coach Hazel Calawod, ang personal sports therapist ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, para maging personal fitness coach niya.

Ayon kay Willie na kumakandidato sa pagkasenador, nagsimula na siyang mangondisyon para sa panibagong larangang papasukin niya, kaya kinuha niya si Calawod para sa health ng kaniyang pag-iisip at katawan.

"Umpisa na para ma-kundisyon ang health ng mind and body ko for a commitment. With Coach Hazel Calawod the personal trainer of Gold Olympic Medalist Carlos Yulo," saad ni Willie sa kaniyang Facebook post, na ni-reshare naman sa opisyal na Facebook page ng Wil To Win.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

"Go Kuya Willie! Para laging kundisyon ang katawan. Makapag isip ng mabuti kapag laging healthy. Sarap sa pakiramdam kapag laging pinagpawisan."

"Ay alam na hahaha."

"Paano naman ang puso baka makondisyon din hahaha."

"Ganda naman ng trainer hahaha."

Matatandaang naging usap-usapan si Coach Hazel matapos mapansin ng mga netizen ang angking-ganda at maireto pa nga ito kay Caloy.

MAKI-BALITA: Golden hair din! Isa pang babae sa likod ng tagumpay ni Carlos Yulo, pinusuan

Kaya lang siyempre, may "Chloe San Jose" na ang Golden Boy at purely professional dealings lamang ang lahat.