October 14, 2024

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, napikon sa nanay ng batang nagpa-picture sa kaniya?

Vice Ganda, napikon sa nanay ng batang nagpa-picture sa kaniya?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Lumulutang umano sa social media ang isang video clip kung saan matutunghayang tila napikon umano si Unkabogable Star Vice Ganda sa nanay ng isang batang nagpa-picture sa kaniya sa studio ng “It’s Showtime.”

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Oktubre 13, nagbigay ng reaksiyon si showbiz insider Ogie Diaz kaugnay sa naging aksyon ni Vice Ganda sa nasabing video.

“Si Vice parang napikon doon sa nanay ng bata. Kasi ‘yong bata umiiyak na. Pero parang tinutulak pa rin [ng nanay ‘yong bata] para makapagpa-picture kay Vice, e, ine-estima na nga ni Vice,” saad ni Ogie.

“Tapos hindi naman artista ‘yong anak pero parang stage mother ‘yong nanay ng bata. Anyway, dalawang beses nang itinulak kunwari ni Vice ‘yong ale para sabihing ‘huwag mo kasing itulak ‘yong anak mo. Umiiyak na tuloy,’” wika pa niya.

Teleserye

MMK posibleng magbalik sa telebisyon, mapapanood sa TV5?

Kaya naman payo ng showbiz insider sa mga nanay: “Huwag nating pilitin ang bata kung ayaw magpa-picture, ‘di ba? Mga bata ‘yan, ‘di ba? Siyempre ang unang-unang mag-aalaga sa mental health sa bata ay ang nanay niya.”

Gayunman, nauunawaan nman daw ni Ogie ang kagustuhan ng ina ng bata na mai-post nito ang picture ng anak kasama ang Unkabogable Star.

“E, kaya lang nga, anong ipo-post mong picture? ‘Yong lumuluha ‘yong anak mo?” aniya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag si Vice Ganda kaugnay sa nasabing video.