October 14, 2024

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Rambulan ng pusa at dagang mas malaki pa sa kaniya, kinaaliwan

Rambulan ng pusa at dagang mas malaki pa sa kaniya, kinaaliwan

Sa siklo ng food chain, ang nagsisilbing "prey" o ginagawang pagkain ng mga pusa bilang "predator" ay mga daga. Kaya naman sinasabing kapag may alagang pusa sa bahay, kung hindi man nababawasan ay nawawala ang mga hayop na ito, na itinuturing ng karamihan bilang "peste."

Kaya naman, naghatid ng good vibes sa social media ang Facebook reel na ibinahagi ng netizen na si "Claro Gandalla Aiza" kung saan mapapanood ang video ng isang pusang tila nakipaglaro na lang sa isang dambuhalang daga, sa halip na kainin ito.

"Ming hulihin mo yung daga," text caption ng uploader.

"Yung daga: Laro nalang kami"

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"hahahaha naglaro na lang tuloy."

"Nice one kaya mo 'yan mingming!"

"Paano mahuhuli malaki pa s knya kaya nakipaglaro n lng"

"Grabe namang daga 'yan hahaha mas malaki pa sa pusa hahaha."