October 19, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Pelikula nina Kim, Paulo sinisimulan nang gawin

Pelikula nina Kim, Paulo sinisimulan nang gawin
Photo Courtesy: Kim Chiu via Kapamilya Online World, Star Cinema (IG)

Malapit nang mapanood ng fans nina Kapamilya stars Paulo Avelino at Kim Chiu ang kanilang highly anticipated first movie together.

Sa isang Instagram post ng Star Cinema nitong Lunes, Oktubre 14, inanunsiyo nila ang tungkol sa nasabing proyekto.

“Kim Chiu and Paulo Avelino start filming for their first ever film together in ‘My Love Will Make You Disappear’— directed by Chad Vidanes,” saad sa caption ng post.

Dagdag pa nila: “See you soon in cinemas! ”

Pelikula

2 aktres na bet makaeksena ni Marian, pinangalanan: 'Sila ang kontrabida'

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing anunsiyo. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"FINALLLYYY!!!!!"

"Me and my sister are waiting for this movie, finally. Excited na ako, pati ate ko na ayaw Kay Kim before, nauuna pa sa akin. Manonood daw kmi. Fan na rin ni Kim.sobra excited na!!"

"OMG DAGUNDONG ANG FIRST SHOOT NG KIMPAI"

"Exciting Good luck kimpau Gawin nating blockbuster tohh"

"OMG! Nakaka excited nman yan. Can't wait na po for KimPau movie. "

"Finally, KP here we come!!!!! good luck to the My Love Will Make You Disappear team especially to Kim, Paulo, and Direk Chad - The Trio!!!!"

Matatandaang nakitaan ng chemistry sina Kim at Paulo simula noong gumanap sila sa TV series na “Linlang”. 

Nasundan pa nga ito ng Filipino adaptation ng “What’s Wrong With Secretary Kim?” na idinirek ni Chad sa ilalim ng Viu at ABS-CBN na pinroduce ng Dreamscape Entertainment.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?