October 23, 2024

Home SHOWBIZ

Nadine Lustre naging kamukha na raw ni James Reid

Nadine Lustre naging kamukha na raw ni James Reid
Photo courtesy: Paul Nebres (IG)/James Reid (IG)

Usap-usapan ang ilang mga kuhang larawan ng aktres na si Nadine Lustre na nasa short hair era na!

Ibinida ng hairstylist ni Nadine na si Paul Nebres ang mga kuhang larawan ni "President Nadine," na first time makitang maiksi ang kaniyang buhok, para sa pictorial ng isang fashion show.

Isa nga sa mga celebrity na napakomento rito ay si Kapamilya star Andrea Brillantes na napa-"Wow oh my gosh" na lang.

Pinuri naman ng mga netizen ang look na ito ni Nadz, na "guwapo" na, "maganda" pa.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

"I saw angelina jolie at some point"

"Tao kaba? @nadine bambihirang gandaaaaaa muuuuuuuu!!!! Ikaw @jellyeugenio halimaw ka sa galing kagigil pang international ang peeeeeeeg… puteeeeeeek!!!"

"Kala ko talaga nagpa gupit ganda ganda parn kahit short hair"

"SO COOL"

"Hot!"

Sa ibang social media pages na nagtampok at nagbalita nito, ilang netizens ang nakapansing parang naging magkamukha na raw sila ng kaniyang dating reel at real partner na si James Reid.

"Hawig tlga sila ni james sana sila ulit on the wings of love."

"Akala ko sa unang tingin si James Reid hahaha."

"Magkamukha na sila ni James Reid..."

"Akala ko noong una si James haha."

Samantala, muling magbabalik-pelikula si Nadine para sa pelikulang "Nokturno" na pangalawang horror movie na niya matapos ang "Deleter."