November 22, 2024

Home SHOWBIZ

Maja Salvador, muling nag-perform sa ASAP; balik-Kapamilya na ba?

Maja Salvador, muling nag-perform sa ASAP; balik-Kapamilya na ba?
Photo Courtesy: ASAP (IG)

Muling nakabalik ang “Dance Royalty” na si Maja Salvador sa ABS-CBN na naging tahanan niya sa mahabang panahon bilang artista.

Sa latest episode ng ASAP nitong Linggo, Oktubre 13, mainit na tinanggap ng kaniyang ASAP family si Maja matapos ang performance niya on stage kasama ang G-Force.

“Anong pakiramdam na makapag-celebrate ulit ng birthday mo sa ASAP stage?” usisa ni Kapamilya singer-actor Darren Espanto.

“Ang sarap-sarap sa pakiramdam,” sagot ni Maja. “Alam ko naman po lahat kayo alam n’yo na dito ako lumaki. 

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay

“For almost 21 years, ‘yong 14 years old na Maja Salvador nag-umpisa dyang magsayaw at minahal n’yo nang todo-todo,” wika niya.

Dagdag pa niya: “To my ASAP family, thank you so much. Ang sarap sa pakiramdam mag-perform dito. 14 years old ako noon, ngayon mommy na ako. [...] But still, nandito pa rin po ako sa inyo, mga Kapamilya, nagpe-perform para sa inyo.”

Matatandaang bago pa man ito ay nauna nang naitsika ni showbiz insider Ogie Diaz sa kaniyang showbiz-oriented vlog na “Showbiz Updates” ang tungkol sa pagbabalik ni Maja.

MAKI-BALITA: Maja Salvador, magbabalik-Kapamilya na raw!