October 14, 2024

Home SHOWBIZ

'It's Showtime,' pinagbabalakan nang masama; bet makuha ng iba?

'It's Showtime,' pinagbabalakan nang masama; bet makuha ng iba?
Photo Courtesy: It's Showtime (FB)

Nagbigay ng pahayag ang Unkabogable Star na si Vice Ganda kaugnay sa mga umaaligid na intriga at isyu sa “It’s Showtime” kung saan isa siya sa mga main host.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, sinabi umano ni Vice Ganda sa isang press conference na naniniwala raw siya na totoong may demolition job laban sa nasabing noontime show.

“Well, there really was or there really is a demolition job against ‘It’s Showtime.’ Pero hindi naman natin sasabihin kung kanino nanggagaling ‘yon. ‘Yong ginagawa sa social media, demolition job yon, hindi ba?” saad ng Unkabogable Star.

"Yong mga trolls, demolition job ‘yon, e. Mayro’n silang masamang intensiyon at balak kaya demolition job ‘yon. Maaaring kami ay may kakayahan o nasa isang posisyon na gustong maranasan at makuha din ng iba,” aniya.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Dagdag pa ni Vice Ganda: “Para makuha nila ‘yon, kailangan nilang subukan ‘yong gano’ng ruta. ‘Kailangan nating gumawa ng ganoong paraan baka sakaling mabasag at makuha natin kung anong meron sa kanila.’"

Pero sa kabila nito, kailangan daw nilang harapin ang mga ganitong klaseng isyu at magpatuloy.

Matatandaang kamakailan lang ay lumutang ang isang tsika na nabuntis umano ng jowa ni Vice Ganda na si Ion Perez ang co-host nilang si Jackie Gonzaga, na agad namang pinabulaanan ng huli.

MAKI-BALITA: 'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?

Bukod pa rito ay kasama ring lumutang ang kuwento na hanggang Disyembre lang umano ang itatagal ng “It’s Showtime” sa nilipatan nitong network na GMA.

Nang mamaalam kasi ang “Tahanang Pinakamasaya” sa GMA  ay ang “It’s Showtime” na ang ipinalit na noontime show sa nasabing TV network.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!

Sa kasalukuyan, nakatakdang magdiwang ang “It’s Showtime” ng kanilang 15th anniversary sa darating na Oktubre 21.