October 14, 2024

Home SPORTS

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya
Photo courtesy: Hergie Bacyadan (IG)

Namayani sa ibang combat sports ang Olympian na Hergie Bacyadan matapos talunin ang Chinese kickboxer na si Jinwei Teng sa 2024 Asian Kickboxing Championship na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia noong Linggo, Oktubre 13, 2024.

Bumawi si Bacyadan matapos ang naging mailap na kampanya niya sa 2024 Paris Olympics kung saan isa siya sa mga naging pambato ng Pilipinas sa boxing category. Ito ang unang pagkakatoan ni Bacyadan sa boxing Olympics kung saan sinubukan niyang makipag-sabayan sa middleweight class category.

Minsan na ring nag-uwi ng parangal si Bacyadan sa isa pang combat sports na wushu kung saan nakasungkit siya ng silver medal noong 2023 at naging world champion din sa vovinam noong 2023.

Kate Garcia

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!