January 03, 2025

Home BALITA National

Bong Go, pinagtanggol si Ex-Pres. Duterte hinggil sa drug war: ‘Hindi ba kayo nakinabang?’

Bong Go, pinagtanggol si Ex-Pres. Duterte hinggil sa drug war: ‘Hindi ba kayo nakinabang?’
Photo courtesy: Sen. Bong Go/FB

“Bakit ngayon, sinisisi siya? Bakit ngayon, mag-isa na lang siya?”

Iginiit ni Senador Bong Go na noong termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay “standing ovation” pa ang Kongreso at Senado kapag binabanggit nito ang war on drugs, ngunit bakit ngayon daw ay sinisisi na siya rito.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Lunes, Oktubre 15, binalikan ni Go ang anim na naging State of the Nation Address (SONA) ni Duterte noong siya ang pangulo ng bansa kung saan pinapalakpakan pa raw ang dating pangulo tuwing binabanggit ang giyera kontra droga ng administrasyon nito.

“Maalala n’yo ah, lahat ng SONA, 2016 up to 2021, anim na SONA, tuwing binabanggit ni dating Pangulong Duterte ang war on drugs, nagpapalakpakan po ang lahat. Standing ovation po ang Kongreso at ang Senado, dahil ramdam nila na may pagbabago po at tinupad ni dating Pangulong Duterte ang kaniyang pinangako noon. Standing ovation,” ani Go.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“Tapos bakit ngayon, sinisisi siya? Bakit ngayon mag-isa na lang siya? Hindi ba kayo nakinabang? Hindi ba nakinabang ang mga kababayan nating PIlipino? ‘Yung mga anak nating hindi nasasaktan. Hindi ba importante sa’tin ang buhay ng ating mga anak, ng ating mga pamilya?

“Nakinabang kayo ah. Nakinabang po ang PIlipino. Tinaya niya po ang kaniyang buhay dito. Tapos ngayon, mag-isa na lang siya. Puro sisi pa ang inabot,” saad pa niya.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng House quad committee ang extrajudicial killings (EJK) sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Kaugnay nito, matatandaang sa isinagawang pagdinig noong Biyernes, Oktubre 11, isinangkot ni retired police colonel at dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma na sangkot umano si Go sa tinatawag na expansion ng "Davao model" o ang cash reward system na ginagamit daw sa Oplan Tokhang.

Mariin namang pinabulaanan ng senador at naging Special Assistant of the President ni Duterte ang naturang affidavit ni Garma.

MAKI-BALITA: Bong Go, itinangging sangkot sa drug war ni Ex-Pres. Duterte: ‘Di ako nakikialam diyan!’

Samantala, sa isang panayam nito ring Lunes ay sinabi ni Go na handa siyang magpasa ng resolusyon sa Senado upang magsagawa ng parallel investigation sa war on drugs “para malaman po natin ang katotohanan.”

MAKI-BALITA: Bong Go, willing paimbestigahan sa Senado drug war ni Ex-Pres Duterte

Matatandaang noon lamang Hunyo ng taong ito nang ihayag ni human rights lawyer Chel Diokno na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyong Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno