October 13, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Sassa Gurl, proud na ibinalandra pagiging ‘mukhang pera’ sa premier night ng Balota

Sassa Gurl, proud na ibinalandra pagiging ‘mukhang pera’ sa premier night ng Balota
Photo courtesy: Sassa Gurl (IG)

Kinabog at hindi nagpahuli ang content creator na si Sassa Gurl sa kaniyang outfit sa premier night ng award winning CINEMALAYA movie entry na “Balota” noong Oktubre 11, 2024.

Ang pasabog outfit ni Sassa Gurl, mas pinainit pa, matapos niya itong ibida sa kaniyang Instagram post noong Sabado, Oktubre 12.

“Mag fifile na kami ng COC. Alam niyo na sino ang lalagay sa balota nakalagay na sa aabot ko yung mukha ng kandidato eme,” saad niya sa caption.

Kalakip ng naturang post ang ilang larawan niya suot ang animo’y “money” inspired outfit, pero ang mukha na nakalagay sa mga pera? Walang iba, kung hindi ang mukha pa rin niya!

Pelikula

Trailer ng 'Hello, Love, Again' mapanakit; theme song, 'Palagi' nina TJ Monterde-KZ Tandingan

Sa itaas na bahagi ng outfit ni Sassa, mababasa ang tila dinogshow niya pa ring maikling mensahe.“Nakshit ako, Ako iboto mo.”

Kabilang si Sassa Gurl sa cast ng pelikulang “Balota” na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Muling ipapalabas ang nasabing pelikula sa darating na Oktubre 16, 2024 sa lahat ng sinehan, nationwide. 

Kate Garcia