October 13, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pinay na nag-steamy dance sa concert ni Ne-Yo, pinagpiyestahan!

Pinay na nag-steamy dance sa concert ni Ne-Yo, pinagpiyestahan!
Photo courtesy: Screenshots from @diannecasillanofellizar (TikTok)

Isang lucky fan na nagngangalang “Lyka” ang nag-viral matapos ang kaniyang mapang-akit na pagsayaw sa "Champagne and Roses" concert ni Ne-Yo noong Oktubre 8 at 9 sa Smart Araneta Coliseum.

Makikita sa TikTok video na habang pinasasaya ni Ne-Yo ang kaniyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kaniyang smooth na live vocals, nabighani siya nang makita si “Lyka” na sumasayaw mula sa audience.

Bilang bahagi ng isang fan contest, ilang mga tagahanga ang napili upang sumayaw sa entablado kasama ang R&B star, at si “Lyka” ang tunay na tumatak dahil sa kaniyang sensuwal na galaw.

Sa gitna ng kaniyang performance, nakuha pa niya ang isang halik sa pisngi mula kay Ne-Yo, na ikinatuwa ng netizens. Maraming fan cams ang kumuha ng video at nag-upload din sa TikTok at Facebook na siyang umani ng milyon at thousand views. Agad namang kumalat sa social media ang mga reaksyon ng mga manonood, pinupuri ang nakatutuwang interaksyon sa pagitan ng singer at ni Lyka.

Tsika at Intriga

RR sa pag-zumba ni Diwata: 'Dating hindi namamansin, ngayon nagpapapansin?'

Narito ang samu’t saring reaksiyon ng mga netizens ukol sa nag-viral na video.

“Why not???? Anjan ka na e. Make the most of the experience”

“sulit na sulit yung ticket ni anteh HAHAAHHHAAHAHHAHAAHHAAHHAA”

“Another gold for the Philippines”

“Sabi nung iba nakakahiya daw, unang una Concert yan syempre party party.. Tsaka sila mismo naghahanap nung marunong mag twerk.. Nandyan kami nung Concert pang Day1 kami..”

“A Filipino? She doesn't represent the Philippines she represent herself”

“very hospitable to visitors”

“Sulitin Ang ticket, once in a lifetime, d Naman malaswa, andami nang nag sasayaw na ganyan.”

“She is having the time of her life.. no cap no hate”

“Proud na proud ang parents at family nya”

“Eh pag lalaki ‘yung gumawa ng ganito sa babaeng artist… o baka di ko lang alam yung context”

“Wwwoooohhh!! Its her dream! U gave it all girl! Hahahaha one day when u get gray ul remember this and look back “wow ive got the guts to that to my ultimate crush”hehhee salute!”

Ang nasabing TikTok post sa nag-viral na steamy dance ni Lyka sa concert ni Ne-yo ay kasalukuyang may 10.9M views, 1.2M Likes, 76K saves at 61.5K shares.

Mariah Ang