October 13, 2024

Home SPORTS

PBA fans, tinawag na ‘anak sa labas’ si Abueva dahil daw sa unfair na hatol ng PBA

PBA fans, tinawag na ‘anak sa labas’ si Abueva dahil daw sa unfair na hatol ng PBA
Photo courtesy: PBA Images

Ilang basketball fans ang nagbabansag ngayon kay Magnolia Hotshot basketball player Calvin Abueva bilang “anak sa labas,” kaugnay ng naging pahayag ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial sa hatol nila sa kontrobersyal na basketbolistang si John Amores.

Matatandaang noong Biyernes, Oktubre 11, 2020 nang ibaba ng PBA sa kasagsagan ng press conference ang kanilang hatol kay Amores na “suspension without pay.”

KAUGNAY NA BALITA: John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon

Ayon kay Marcial, anak umano ang turing ng buong liga sa bawat manlalaro kaya suspensyon ang ipinataw nila kay Amores, taliwas sa ilang panawagan ng fans na “lifetime ban.”

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

“Parang anak natin itong mga players, Pag may anak tayo pinaparusahan natin, pero hindi natin pinapabayaan,” saad ni Marcial sa nasabing press conference.

Kaya naman ang pahayag na ito, ay tila pinalagan ng maraming fans at sinabing “anak sa labas” si Abueva. Ang argumentong ito ng fans, ay nag-ugat sa mabigat na parusang ibinigay ng PBA kay Calvin noong 2019.

Taong 2019 nang patawan siya ng PBA ng “indefinite suspension,” matapos ang magkahiwalay na isyu ng pananakit sa kapwa manlalaro at sa isang fan.

KAUGNAY NA BALITA: Hatol ng PBA kay John Amores, pinutakti ng fans; kaso ni Abueva, ikinumpara!

Saad ng ilang fans, mas mabigat naman daw ang ginawa ni Amores na nahaharap ngayon sa kasong attempted homicide matapos ang shooting incident noong Setyembre, kumpara umano sa isyu ni Abueva, ngunit tila mas magaan daw ang ipinataw ng PBA na parusa sa kaniya.

KAUGNAY NA BALITA: PBA Player John Amores at kapatid, pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa

“Anak Pala anak ka ata tlga sa labas Calvin Abueva.”

“Parang anak naman daw kasi hahahaha”

“Anak sa labas si Abueva, siya nanakit lang pero todo parusa eh.”

“Isang attempted homicide at flagrant foul, iba talaga kapag anak sa labas.”

“So ano ‘yon Kome? Anak talaga sa labas si Abueva.”

“Anak naman pala lahat, bakit ‘yung iba pinalayas mo?”

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang PBA hinggil sa umano’y mababaw na parusang ibinigay nila kay Amores.

Kate Garcia