October 14, 2024

Home SHOWBIZ

Palit kay Karla? Korina, matunog na magiging bagong host ng 'Face 2 Face'

Palit kay Karla? Korina, matunog na magiging bagong host ng 'Face 2 Face'
Photo courtesy: TV5 (FB)/HOLA (FB)/Karla Estrada (IG) via Balita

Palaisipan sa mga netizen kung sino ang "K" na pinahuhulaan sa TV5 na magiging host ng isang palabas, na ang hula naman ng mga netizen ay "Face 2 Face" na hino-host ni Karla Estrada.

Matatandaang nagbalik ang Face 2 Face noong Mayo 1, 2023, dahil sa sinasabing "insisted public demand." Ang mga naunang hosts nito ay sina Amy Perez at Gelli De Belen. 

MAKI-BALITA: Karla Estrada, ipinasilip ang set ng ‘Face 2 Face’

"May 'K' ka bang harapin ang mga isyu? Kami, MERON NA! Abangan. #KFaceNaTV5," mababasa sa caption ng post, sa official Facebook page ng TV5.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

TV5 - May 'K' ka bang harapin ang mga isyu? Kami, MERON NA!... | Facebook

Sa art card na pinahuhulaan ay makikita ang silhouette ng isang babaeng mahihinuhang may mahabang buhok, na ipinagpalagay ng mga netizen na si broadcast-journalist Korina Sanchez.

Si Korina ay halos napapanood sa iba't ibang TV network matapos niyang lisanin ang kaniyang dating home network, ang ABS-CBN.

Nagkakaisa ang mga netizen na si Korina nga ang pinahuhulaan, batay sa mga pangalang pinalulutang nila sa comment section.

Marahil ay may kinalaman ito sa pagiging abala na ni Karla bilang bahagi at nominee ng Tingog party-list na nagpasa ng certificate of nomination and acceptance (CONA) kamakailan para sa 2025 midterm elections. Si Karla rin ang nagsisilbing Director for Community Engagements ng nabanggit na partido.

Pero batay sa comment section, mukhang positibo naman ang pagtanggap dito ng mga netizen dahil tiyak daw na kung sakaling si Koring nga ito, ay maha-handle niya nang mabuti ang dalawang partidong magbabangayan.

"Korina na ang bagong host ng Face To Face. Exciting. Go congratulations inyo."

"Ay mukhang mas okay kung si Korina nga hehehe."

"VETERAN BROADCASTER KORINA SANCHEZ TO TAKE OVER AS THE HOST OF FACE TO FACE ON TV5.

Wala pang kumpirmasyon mula mismo kina Karla, Korina, o mula mismo sa pamunuan ng TV5 tungkol dito.