October 13, 2024

Home SPORTS

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!
Photo courtesy: Eumir Marcial (IG) and Carlos Yulo (IG)

“G na G” si Filipino Olympian boxer Eumir Marcial na i-flex ang kaniyang Outfit Of The Day (OOTD), suot ang isang crop top. 

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Male personalities na 'slaying' sa pagsuot ng crop top

Sa isang Instagram post na ibinahagi ni Marcial noong Sabado, Oktubre 12, 2024, isang maikling caption ang kaniyang iniwan para kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

“@c_edrielzxs bro hindi na talaga ako nakatiis,” ani Marcial.

PBA fans, tinawag na ‘anak sa labas’ si Abueva dahil daw sa unfair na hatol ng PBA

Kalakip ng caption ang dalawang mirror shots ni Marcial suot ang isang itim na crop top.

Matatandaang nag-viral noon ang OOTD ni Caloy suot din ang kaniyang crop top na umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens. 

KAUGNAY NA BALITA: Chloe, inurirat kung crop top niya suot ni Caloy

Kate Garcia