December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Nico Locco, handang mag-live selling ng mga panindang underwear

Nico Locco, handang mag-live selling ng mga panindang underwear
Photo courtesy: Nico Locco (IG)

Willing daw ang VMX (bagong pangalan ng Vivamax) actor-host na si Nico Locco na magsagawa ng live selling kapag opisyal nang inilabas ang kaniyang "Locco Locco" undergarment business sa Nobyembre 2024.

Matatandaang napaulat na rin sa Balita ang naging pahayag ni Nico na naisipan niyang magtayo ng sariling undergarment business matapos niyang maranasang makatanggap ng "indecent proposal" na bilhin ang mga ginamit niyang briefs.

Isa pa, napansin daw niyang mataas ang engagement ng isang post kapag nagbahagi na siya ng larawang nakasuot siya ng briefs lang.

Sa isinagawang media conference para sa VMX 12 Million Subs Mega Milestone: Sandosenang Saya sa Cubao, Quezon City, nabanggit nga ni Nico na posible raw siyang magsagawa ng live selling para sa kaniyang underwear brand.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Kasi naman, ang ilang influencers at online sellers sa TikTok, talagang maraming bumibili sa kanila kapag sinusukat nila ang mga panindang briefs; siyempre, marami ring gustong sumilay sa mga maipagmamalaki nila.

Sey pa ni Nicco, gusto niyang shala ang dating ng mga undergarments na ima-market niya pero affordable pa rin ang presyo at abot-kaya ng bulsa.

MAKI-BALITA: Mga gamít na underwear ni Nico Locco, bet bilhin ng mga 'loccong-locco' sa kaniya