December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Nag-decide na kami:' Richard Poon, Maricar Reyes muntik na raw magkahiwalay

'Nag-decide na kami:' Richard Poon, Maricar Reyes muntik na raw magkahiwalay
Photo Courtesy: Screenshot from Karen Davila (YT)

Inamin ng actress-author ng aklat na si Maricar Reyes na maraming beses na raw silang muntik magkahiwalay ng mister niyang si Richard Poon.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kamakailan, sinabi niya kung ano ang pinakamatinding eksena sa buhay nilang mag-asawa na naging dahilan para umabot sila sa punto ng hiwalayan.

“There’s a time na nag-decide na kami. Maghihiwalay na kami. [...] Parang pandemic issue ‘yon, e, or something. I can’t even remember what the triggering incident was,” saad ni Maricar.

Dagdag pa niya: “But ayun, nagpaplano kami. [...] We’ll see how this going to plan out. Parang from a management perspective, paano nila iha-handle. We’re going to call our ninongs, ninangs, legal, attorney namin.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nilinaw naman ng mag-asawa na hindi raw third party ang dahilan ng kanilang muntik na hiwalayan.

“I think every couple if you get into counseling church, almost all couples umaabot sa they want to leave,” ani Richard.

Sa kasalukuyan, mahigit isang dekada nang kasal sina Maricar at Richard. Humarap sila sa altar noong Hunyo 2023 sa Alabang, Muntinlupa.