December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Maricar Reyes, tanggap na bang hindi na magkakaanak pa?

Maricar Reyes, tanggap na bang hindi na magkakaanak pa?
Photo Courtesy: Maricar Reyes (IG)

Nausisa ang actress-author na si Maricar Reyes tungkol sa tanggap na ba niya kung sakaling hindi na siya  magkakaroon pa ng anak.

Sa latest episode ng vlog ni broadcast-journalist Karen Davila kamakailan, sinabi ni Maricar na parehong hindi at oo raw ang sagot niya.

“Yes and no. Like there’s a part of me pa rin na I think is very strongly hopeful na…ang weird, e. Parang it’s a weird piece. I know na mayro’n, e,” lahad ni Maricar. 

“I don’t know what I have to do in order to get there. But I think your steps are ordered. But of course I can’t really predict the future. So there’s a possibility na wala,” wika niya.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Dagdag pa niya: “So far I think emotionally I’m okay with that also. But of course, mas gusto ko ‘yong mayro’n.”

Matatandaang sa isang vlog ng aktres na si Rica Peralejo noong 2022 ay ibinahagi ni Maricar na sinubukan na raw nilang magpatingin sa eksperto ngunit wala naman daw silang problemang mag-asawa.

MAKI-BALITA: Maricar Reyes sa hindi pagkakaroon ng baby: 'We got checked. There's no problem with us'