October 13, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Lapagan ng resibo: Sino kina Pia at Heart ang 'di invited sa Victoria's Secret Show?

Lapagan ng resibo: Sino kina Pia at Heart ang 'di invited sa Victoria's Secret Show?
Photo courtesy: Pia Wurtzbach (IG)/Heart Evangelista (IG)

Nagbabardagulan ng resibo ang kampo nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach kung sino raw ba sa kanilang dalawa ang hindi naimbitahan sa sikat na Victoria's Secret Fashion Show.

Ibinalita kasi ni Pia sa kaniyang Instagram post na naimbitahan nga siyang magpunta sa nabanggit na fashion show.

"Can you keep a secret? "

"I’m about to jet off to the Victoria’s Secret Fashion Show. But first, a big shout out to Asia and Australia, who’s coming with me to this sexy and exciting adventure. So let’s unbox, pack and get ready for NYC," mababasa sa kaniyang caption.

Tsika at Intriga

Mommy Min, bet na bet daw si Alden para kay Kathryn?

Marami naman sa mga netizen ang nag-congrats kay Pia sa panibagong milestone na ito sa fashion industry.

Isang supporter naman ni Pia na ang nagsabing ang Miss Universe daw ang tunay na "imbayted" ang iba raw ay may claim na hindi makapupunta, pero ang totoo, hindi naman daw naimbitahan talaga.

"Congratulations (IG account ni Pia) Ikaw ang tunay na ;imbayted,'" saad ng supporter.

"Yung isa di daw makakapunta... Ante, pano ka makakapunta kung [wala] kang invitation? Asan ang resibo?!"

Photo courtesy: Screenshot from @whenapino (IG)/via Fashion Pulis

Subalit hindi naman ito pinalagpas ng kampo ni Heart at agad na naglabas ng mga resibo sa social media na talagang invited si Heart subalit hindi lamang nagtagpo ang mga schedule dahil sa prior commitment.

Mababasa rin sa resibo na priority ng director ng show si Heart bilang Filipina celebrity, subalit hindi nga talaga siya puwede dahil naka-block na raw matagal na ang schedule nito para sa shooting at press conferences na dapat daluhan para sa bagong show sa Pilipinas.

Photo courtesy: Screenshot from @resztyrose (IG) via Fashion Pulis

Hindi naman sumuko ang taga-VS at patuloy na tinanong ang staff ni Heart kung available pa ito sa ibang araw ng Oktubre o Nobyembre, para maimbitahan siya sa opening ng store sa SM Mall of Asia.

Means to say, parehong "imbayted" sa nabanggit na VS Show sina Heart at Pia.