Hindi pinalagpas ng dating personal assistant na naging make-up artist ni Kapuso star Heart Evangelista na si Justin Soriano ang birada sa kaniya ng ilang netizens patungkol pa rin sa isyu ng panunulot daw sa kanila ni Miss Universe 2025 Pia Wurtzbach, matapos ang pinag-usapang "falling out" ng glam team.
MAKI-BALITA: ‘Nag-unfollowan pa!’ Heart, nilayasan na raw ng glam team?
MAKI-BALITA: Justin Soriano, Jeck Aguilar naharang sa airport dahil sa ‘white label?’
Ilang taon na ang nakalipas, sila na ang bagong glam team ni Pia, may sarili na ring glam team si Heart na kamakailan nga ay naiyak pa siya habang nagre-reminisce sa Paris, pero hindi pa rin maka-move on ang netizens sa mga nangyari.
MAKI-BALITA: Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?
Nilinaw na rin ni Justin ang tungkol sa isyu subalit ayaw pa ring paawat ng mga galit na galit pa rin sa kaniya, lalo na ang mga faney ni Heart.
Komento ng isang netizen sa post ni Justin patungkol kay Pia, "Dont you feel guilty almost everything happening to you right now you got them through cheating? You got someone's contacts and connections. You didnt work for them. This is not the Pia we know."
Saad naman ni Justin, wala raw "ninanakaw" si Pia na kahit na sina at lalong-lalo na raw sila.
"Pia never ever stole any contacts or whatever. Lalo na kami. We are only glam team and hindi nga namin kilala or close mga PR."
"Also PIA IS PIA! She has walked the runway in new york when she was miss universe..."
Ang nabanggit na "cheating issue" daw ay gawa-gawa lamang ng ilan para magalit ang mga tao kay Pia.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Pia or ni Heart tungkol sa isyu.