October 14, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer
Photo courtesy: Xyriel Manabat (IG)

Hindi pinalagpas ng Kapamilya actress na si Xyriel Manabat ang isang netizen na tila nagkomento sa kaniyang "hinaharap," nang mag-post siya ng larawan sa Instagram post.

"Less than 5ft to be exact but still slayin’" mababasa sa caption ni Xyriel.

Umawra-awra naman si Xyriel sa photo habang ibinibida ang kaniyang OOTD.

Habang marami ang pumuri sa kaniyang slaying post, isang netizen naman ang nagkomentong baka puwede raw bawasan ang kaniyang "dalahin."

Tsika at Intriga

Jon Lucas nag-react sa photo ng SB19 sa Billboard PH, inalala ang Hashtags

"Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?" saad ng netizen.

Tugon naman ni Xyriel, di ba pwedeng manahimik, parang ang stupid magcomment e."

Niresbakan naman si Xyriel ng kaniyang fans at sila na ang kumuyog sa netizen.

"Her body, her rules."

"halatang walang pinag aralan oops"

"'Kuha mo' is Anna Manalastas fave expression. Unfollow na nga lang at mapapaaway pa yata ako e sa totoo lng wala naman akong pakialam. Kung ako'y nasasagwaan sa nakikita e di unfollow na lng."

Pero sumagot naman ang netizen at nagpaliwanag.

"Miss ko na kc si Momay, she's gone na. I still watch Momay sa ALLTV. Friday episode was about jj fighting to get the Funland back, and Hilary accusing jj of harassment. I also miss Anna Manalastas. Kuha mo? Tanggapin na lng siguro na wala yung cheerful little girl with her full set of baby teeth."

Pero buwelta naman ng mga netizen, ibang-iba na ang Xyriel noon sa Xyriel ngayon dahil siyempre, lumaki na si "Madam Ana Manalastas."

Hindi naman na bago kay Xyriel ang mga ganitong klaseng body shaming, at in fairness sa kaniya, cool at matapang niyang sinasagot ang mga palagay niya ay below the belt na komento laban sa kaniyang katawan, partikular sa kaniyang boobey.