October 12, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Zephanie Dimaranan, may nilinaw sa naging relasyon nila ni Michael Sager

Zephanie Dimaranan, may nilinaw sa naging relasyon nila ni Michael Sager
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Michael Sager (IG)

Nagsalita na si "Idol Philippines" Season 1 Grand Winner Zephanie Dimaranan kaugnay sa naging relasyon umano nila ni Kapuso Sparkle artist Michael Sager.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Oktubre 11, nilinaw ni Zephanie na wala umano breakup na nangyari sa pagitan nila ni Michael.

“Wala namang nangyaring breakup, Tito Boy. Just to clear it out po. Pero I think ‘yong friendship namin, talagang nagbago na siya ever since,” saad ni Zephanie.

“Hindi na kami nakakapag-work together. Marami nang nangyari. But, again po, walang anything bad against each other,” wika niya. 

Relasyon at Hiwalayan

Nico Locco, final na raw ang pakikipaghiwalay kay Christine Bermas

Dagdag pa niya: “We’re still able to work pa rin naman po sa All-Out Sundays and we talk. And it’s such a nice feeling to be able to do that po; to still work with him in a different way.”

Matatandaang sa isang panayam ni Zephanie sa “Fast Talk” noong Abril 2023 ay inamin niyang isa raw si Michael sa mga attractive na aktor sa Kapuso network.

Pero sa kasalukuyan ay si Cassy Legaspi ang babaeng naiuugnay sa buhay ni Michael. 

MAKI-BALITA: Carmina Villaroel, bet si Michael Sager para sa anak na si Cassy Legaspi?