October 13, 2024

Home SHOWBIZ

Variants ni Jhong Hilario, dumagsa sa 'It's Showtime'

Variants ni Jhong Hilario, dumagsa sa 'It's Showtime'
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), ABS-CBN (FB)

Mala-Spiderman: No Way Home ang naging peg ng “Kalokalike Face 4” matapos magsulputan ang tila tatlong variants ni “It’s Showtime” host Jhong Hilario.

Sa latest episode kasi ng nasabing noontime show nitong Sabado, Oktubre 12, tatlong kahawig ni Jhong ang sumalang sa “Kalokalike Face 4.”

Una na rito si Michael Suralta ng Trese Martires ng Cavite City. Kasunod ay si Celso Dacara ng Las Piñas City at si Brezhnev Francisco ng Tondo, Manila.

“Ang saya-saya, ‘no? Nakikita mo ‘yong sarili mo sa ibang tao,” saad ni Jhong matapos makita ang tatlo niyang kamukha.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Pero sabi naman ni Unkabogable Star Vice Ganda: “Depende. [...] May manggagaya sa ‘yo talaga na ikakaaliw mo. May manggagaya rin sa ‘yong ikalulungkot mo. Pero ‘wag mong ipapahalata kasi magmumukha kang pikon.”

“Wala ka namang magagawa. That’s life. Saka kailangan ma-flatter ka na rin kasi may nag-iimpersonate sa ‘yo. Ibig sabihin, iconic ka!” dugtong pa niya.

Hirit tuloy ni Jhong: “Grabe, sobrang iconic pala ako!”

Sa huli, si Celso ang nakakuha ng tatlong “Kalokalike” na hatol mula sa mga hurado ng nasabing segment.