October 12, 2024

Home SHOWBIZ

Sandro, 'di pa rin daw nakaka-recover sa nangyaring sexual harassment

Sandro, 'di pa rin daw nakaka-recover sa  nangyaring sexual harassment
Photo Courtesy: Screenshot from TicTALK with Aster Amoyo (YT)

Nausisa ni showbiz insider Aster Amoyo si Edith Millare tungkol sa recovery ng anak niyang si Kapuso Sparkle artist Sando Muhlach mula sa pananamantalang naranasan umano nito.

Sa latest episode ng “TicTALK with Aster Amoyo” nitong Biyernes, Oktubre 11, sinabi niyang bagama’t “life of a party” umano si Sandro, hindi raw niya masabi na tuluyan nang humilom ang trauma ng kaniyang anak.

“I couldn’t tell that. Pero kasi ano siya…siya ‘yong life of a party all the time. Marami kasing nagsasabi: ‘Akala ko ba trauma pero masaya lagi?’ Hindi mo naman ide-deal ‘yong trauma every hour, e,” saad ni Edith.

Dagdag pa niya: “Dahil may mapagmahal siyang pamilya—dalawang pamilya ang nagmamahal sa kaniya—mukha siyang naka-recover. Pero I don’t think so. Kailangan niya ng continous theraphy.“

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Kaya naman hindi raw papayag si Edith na sabihan ang anak niya na gumagawa lang umano ng kung ano-anong kuwento upang magpasikat.

Matatandaang kamakailan lang ay sinorpresa ni Edith si Sandro nang umuwi siya sa Pilipinas mula Amerika sa mismong kaarawan niya.

MAKI-BALITA: 'I'm so lucky to have you:' Sandro Muhlach, sinorpresa ng ina

Sa kasalukuyan, gumugulong pa rin ang kaso ni Sandro laban sa dalawang independent contractors ng GMA Network na sina Richard Cruz at Jojo Nones.

MAKI-BALITA: Richard Cruz, Jojo Nones itinatanggi pa rin bintang ni Sandro Muhlach

Nagsimula ito nang maglabas ng blind item ang Philippine Entertainment Portal (PEP) tungkol sa baguhang aktor na ginawang “midnight snack” umano ng dalawang TV executives.

 MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?