October 12, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

RR sa pag-zumba ni Diwata: 'Dating hindi namamansin, ngayon nagpapapansin?'

RR sa pag-zumba ni Diwata: 'Dating hindi namamansin, ngayon nagpapapansin?'
Photo courtesy: Screenshots from RR Enriquez (FB)

Tila may pasaring ang tinaguriang "Queen Sawsawera" na si RR Enriquez sa napanood niyang videos ng social media personality at paresan owner na si Diwata habang game na game na sumasali sa iba't ibang mga aktibidad sa komunidad, matapos ang paghahain ng certificate of nomination and acceptance (CONA) sa Commission on Elections (Comelec) para sa darating na 2025 midterm elections.

Sa shared post ni RR, makikita ang todo-hataw na si Diwata habang nakikiisa sa zumba kasama ng ilan pang katao, na mahihinuhang sa Pasig City.

Caption dito ni RR, "DATING HINDI NAMAMANSIN.. NGAYON NAGPAPA-PANSIN?"

Bukod sa nabanggit na video ay ilan pang mga video patungkol kay Diwata ang ibinahagi ni RR kabilang na ang pagtataray daw ni Diwata sa ilang fans na bumisita sa kaniya at nagtangkang mag-selfie kasama niya.

Tsika at Intriga

Tsika ni Cristy: Alden, Kathryn magkarelasyon na?

Bukod kay RR, isa pa sa mga nagpasaring kay Diwata ay si Miss Q&A season 1 grand winner Juliana Parizcova Segovia.

Sa Facebook post ni Juliana nitong Biyernes, Oktubre 11, ibinahagi niya ang larawan ni Diwata na tila nakipag-groupie sa ilang kalalakihang kumakain sa kaniyang paresan. Makikitang si Diwata mismo ang may hawak ng cellphone, batay sa anggulo nito.

Caption ni Juliana, "Dating nagsusungit,ngaun kusang lumalapit.. ."

MAKI-BALITA: Juliana nagpatutsada kay Diwata: 'Dating nagsusungit, ngayon kusang lumalapit!'

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, pahayag, o resbak si Diwata sa mga pasaring na ito nina RR at Juliana.